read.. feel me..
<

 

Hindi lang isa kundi maraming beses na akong nasaktan sa larangan ng “pag-ibig” Nagmahal. Nasaktan. Umiyak.

Sa tuwing masasaktan ako lagi kong sinasabing “Hindi ko na hahayaan pang masaktan ulit ako”, pero ewan ko ba sa sarili ko, hindi marunong madala. Lagi pa ring bukas ang puso ko sa pagtanggap sa taong nangangakong mamahalin ako at hindi sasaktan. Stupid!

Natuto akong makipaglaro. Maki-ride sa trip nila. At hinanda ang sariling masasaktan. “Eh ano naman? Masaya naman ako ngayon.” ‘Yan ang katwiran ko sa tuwing nagmamahal ako. MASAYA NAMAN AKO NGAYON. HAHA. Noon lang ako masaya kasi paglipas lang ng ilang araw, linggo o buwan, umiiyak na naman ako. Pero gaya nga nang nasabi ko, hindi ako marunong madala.

Alam mo ‘yung feeling na alam mo sa sarili mo na you deserve to be happy nd to be loved back pero sa huli sinasaktan ka pa rin? UNFAIR diba?! (kahit sa friendship ganoon din ang pakiramdam).

Anyway, there’s this guy na hindi ko inakalang mamahalin ko dahil sa simula pa lang ang dami ng issues. Ang dami ng reasons para ayawan. Habang tumatagal, habang lalong kumukulit, ayun! Nahulog din ang loob ko sa kanya. Pero hindi naging madali ang pagtanggap ko sa nararamdaman ako alang-alang sa isang kaibigan na pinahalagahan ko sa kabila ng lahat.

Eh, “I deserve to be happy”. I took the risk, I let him in my life. Umpisa pa lang may konting gulo na. Unresolved issues. Pero nalagpasan namin ‘yun. I must admit hirap akong magtiwala dahil sa past relationships ko at sa heartaches na naidulot nila sa buhay ko. Pero nasabi ko na lang na parte na ng buhay at buhay pag-ibig ang masaktan. Nakakapanghinayaang kung hindi ko man lang bibigyan ng pagkakataon na maging masaya kami.

Masaya ako sa piling niya. Kahit hindi maiiwasan na may konting tampuhan at selosan nananatili pa rin kaming masaya.

Napakilala ko na siya sa pamilya ko at sa mga taong mahahalaga sa amin. Okay naman. Happy naman sila for us. Napakilala na rin niya ako sa mga tito, tita, pinsan at lola nya. Masarap sa pakiramdam ‘yung alam ko at naramdaman kong tanggap din nila ako.

Pero walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Lagi kong ipinagdarasal na sana, kami na nga. Sana matanggap pa namin lalo ang kahinaan ng bawat isa. Masaktan man niya ako, ang mahalaga eh naiparamdam nya sa akin ang pagmamahal niya. (PLEASE! HUWAG MO PO SANA HAYAANG MASAKTAN NIYA AKO).

Siya si BERNARD FLORES ESGUERRA I. Mapagmahal, mabait, responsable, malambing, maalaga, kwela, mahilig kumanta at kumain  ng french fries (haha), chickboy (noon hindi na pwede ‘yun ngayon!), masipag, malaki mata (kermit nga tawag sa kanya sa amin eh, eh ano kung malaki mata mapungay naman, asset ‘yan dy!), marami pang words na pwedeng mag-describe sa kanya, pero ang pinakagusto ko eh yung mahaba ang pasensya dahil mahirap akong kalingain. Kapag nagkakatampuhan kasi kami nyan, hindi nya hinahayaan na hindi kami magka-ayos. Pinag-uusapan ang problema. Nagpapaliwanagan at natatapos ang usapan sa I LOVE YOU.

Bago pa lang kami pero parang ang tagal na namin. Napakarami na namin napagdaanan at sana mas marami pa. Mas maganda kung magaganda at masasaya pa ang pagsasama namin. Kaka-monthsary lang eto at monthsary na naman bukas. Ang saya!

Dy, i know mahirap akong intindihin. Huwag ka sanang magsawang umunawa at mahalin ako. MAHAL NA MAHAL KITA!

September 6th, 2008 at 6:03 pm


One Response to “Love ko si dy ko..”
  1. 1
      kermit says:

    sino bang guy yan ah….

    hmmmmmm.. swerte naman nyan…

    gwapo ba yan? hmm…

    mabait ba yan?….

    caring at loving ba yan? hmm…

    ay naku……. sa lahat ng tanong na yan…

    lahat nyan may katangian ako…

    cguro ako nga yan…AKO…

    oWS!!! ako nga yan…

    bernard flores Esguerra (A.K.A)–> KERMIT poh….

    proud to be kapuso ni mie ko…

    thank you so much…

    i need you….

    happi li iver aftir….

    love u mie..