Expect the unexpected.
Manonood lang sana kami ng sine nile Mama last Sunday (091408) sa Waltermart pero ayun alanganing oras na kami dumating doon. Nakapagsimula na ang movie nila Richard Gutierrez at KC Concepcion na “For the First Time” kaya naglunch muna kami sa KFC at nagmili ng blouses ng ipapadala kay Patchie. Papunta na sana kami sa ticket booth ng madaanan namin ang isang kiddie cabinet na naka-sale. Maganda. Simple. Just what I needed for my small room. Ayun! Nagtanong kami kung magkano ang delivery etc. hanggang sa nakakita si Ate RA ng mas malaki at mas magandang cabinet na hindi naman ganoon kalaki ang kamahalan sa nauna naming nakita. Finally, naconvince din namin si Mama na ibili niya kami ng cabinet. THANK YOU SO MUCH MAMA!!
Unfortunately hindi na kami nakapanood ng sine.Okay lang may cabinet naman kami! haha..
Hindi pa roon nagtatapos ang bago sa akin. I asked for Dy’s (boyfriend ko) help para magbaklas ng room ko para may mapaglagyan ang bago kong kabinet. Ang bait talaga ng Dy ko he came to help me at talagang nilubos ko na ang favor, he painted my room pa with my favorite color. Kawawa naman Dy ko, birthday nya kinabukasan noon pinagod ko. haha. Ayun. Hindi nya natapos sa isang araw yung pagpipintura kaya he promised na balikan yun the day after his birthday.
I went to his Lola’s house nung birthday nya. Nagpunta rin kami sa Tito nya, may inuman kasi sila at kantahan hehe. Bait nila. Nagbigay pa ng konting advice Tito nya sa amin. Nakakatuwa.
Thursday, tapos na birthday nya. Balik pagpipintura na. hehe. He’s rewally kind, sweet and patient with me. Kahit na pasaway ako at makulit he’s still doing everything that will make me happy.
Finally! Natapos na rin ang pagpipintura ng room ko. Next, he helped me fixed my things back into their places na. Kawawa naman Dy ko, pagod na pagod.
Can’t think of the best words to describe how happy I am right now dahil hindi lang ako nagkaroon ng mga bagong bagay sa buhay ko, hindi man kalakihan at simple man ang kwarto ko para sa inyo, ito naman ang the best room for me dahil pinaghirapan ito ng taong mahal ko.
Higit pa sa materyal na bagay ang nakakapagpasaya sa akin ngayon ng lubusan. ANG PAGMAMAHAL nang Dy ko.
This week has been really memorable for us. Ang daming nangyaring hindi natin inasahan. Sana lang tayo pa rin dalawa ang magkasama sa mga susunod pang happy moments sa buhay natin. Huwag ka sanang magsasawang unawain, pagpasensyahan at mahalin ako. I LOVE YOU SO MUCH DY ko..
P.S.
Ako ang may kagagawan ng kalokohang ito. haha. A heart sa outlet?! Eh hindi ko kasi mapantay yung pag-box ng paint sa kanya kaya ayan. Naghugis puso na kakaayos. ;p
violet room…..
hmm………
favorite color yan ng mie ko………
dugo’t pwais at pagmamahal yan
kaya perfect ang kinalabasan…
wow!!
dapat xe ung plugging socket eh square un
nagkamali di tuwid ayun…
naging puso….
love you mie ko….
with all my heart and soul..
mwuahh….
mie ko……
September 22, 2008 @ 4:54 am